i really love this song....
KANLUNGAN
Performed by: Buklod
Composer: Rom C. Dongeto
Album: Sa Kandungan ng Kalikasan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa ay unang magkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Managrap at tumula
Natatandaan mo pa ba?
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalya kong gumamela
Magkahawak kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan
Ngayong ikaw'y nagbalik
At tulad ko rin ang 'yong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan